5/26/08                                                                

good day poh! 

jose marie poh 'to.. 

kakakuha ko lang poh ng email add nyo kay ate gay.. nakaattach poh dito yung pictures nung pinning, march 5; recognition & hooding april 23; at graduation    april 24..  

cum laude poh ako.. 

sa wakas poh ay nakatapos na ako ng apat na taon sa nursing.. baleng sarap poh sa pakiramdam pero sa kabilang banda ay nakakakaba din poh kasi meron pang board exam at dun lang namin masasabing tapos na talaga kami at pwede ng magtrabaho.. maraming salamat po sa lahat ng luisianahin jan sa east coast.. kayo po ay isa sa dahilan kung bakit ginalingan koh talaga para makamit ang diploma at honors ko.. lagi ko pong iniisip kong paano ko kayo mapasasalamatan dahil kung hindi po dahil sa inyo ay hindi ko mararating ang kinalalagyan koh ngayon.. sa ngayon poh ay diploma at medals muna ang maipapakita koh sa inyo.. maraming salamat po sa lahat ng tulong ninyo at sa suporta..  

sa ngaun poh ai nag-iintindi kame ng requirements sa prc para poh sa pagtake ng board exam.. sa sept poh ang start ng review at sa november poh ang take nmen..  

sa ngayon po ay matindi-tinding panalangin naman ang hinihiling koh sa inyo para makapasa ng board exam at maging isa akong licensyadong nurse.. 

muli po, maraming maraming salamat sa inyong lahat.. mabuhay ang lahat ng luisianahin.. at pagpalain tayo ng POONG LUMIKHA.. 

Jose Marie P. Iporac, BSN

     

2/21/09

Dear Maam Vangie,             

Good day, maam!

Im very glad to share with you that Professional Regulation Commission announced the November 2008 Nursing Board Examination passers. Im one of the 39,455 passers out of 88,649 examinees. My batch got 99% passing rate and Southern Luzon State University-Lucban, Quezon ranked third in the Philippines
in over all performance with 97% passing rate.

Pakisabi n lang po ang patuloy kong lubos n pasasalamat s lahat ng Luisianahin diyan sa East Coast..

Thanks for the support and all of your prayers..

Sa april po ang oath taking namin..

God bless po..

Jose Marie Pedron Iporac, BSN, RN

     

jose iporac to me
show details 12/10/09


Good day..


kumusta po?


Sorry po kung ngayon lang ule ako nkapag-email.. Medyo naging busy po at nag-adjust ng marami kasi sa Mandaluyong City na po ako nagstay..


I'm currently working at National Center for Mental Health.. I have two years contract in that hospital as a resident nurse..
As a resident nurse, I should comply with the requirement trainings, seminars, case presentations and researches to be a mental health and psychiatric nurse practitioner..


Kung tatanungin po ninyo kung gusto ko talaga s psychiatric setting eh oo naman po.. Magandang specialization din po yun.. Eto rin po kasi ang unang hospital na nag-offer ng work.. Usually po kasi eh, mga trainings at volunteers lang ang hinahanap ng maraming hospital dito.. I feel very fortunate to be in that national hospital.. Hindi lang po kasi trainings ang offer nila, may sweldo n rin po.. Kaya po nagawa kong ienrol ang aking kapatid this semester.. Nag-aaral po siya nagaun sa Laguna University in Sta. Cruz, Laguna.. Hindi rin po kasi kamahalan ang tuition dun.. Bachelor of Arts in Communication po ang tinitake niya..


Sa ngayon po, Im enjoying my work and training in the hospital and still adjusting..


Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon po diyan sa inyo, kasama ang inyong pamilya at mga Luisianahin diyan sa East Coast.. May God always bless and guide all of you so you can continue do lot of good work and help to our Kababayans..


Maraming salamat po uli!


Jose Marie P. Iporac, BSN, RN